| |
Sinasabing ang tao ay isang nilikhang panlipunan o social being. Di niya kayang mabuhay nang nag-iisa. Kailangan siyang makisama at makipamuhay sa kanyang kapwa. Kaya't kapag ang kaunlaran niya ang pinag-uusapan, di ito maihihiwalay sa kaunlaran ng kanyang kapwa. Ang ibig nating sabihin ay di makabuluhan ang kaunlarang pansarili lamang Dapat na ang maging patunguhan ng pagpapaunlad ng pamayanan ay ang kagalingan ng buong pamayanan, lalo na ng mga mahihirap. |
|